-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaabot na sa P7.7 million ang halaga ng pinsala sa Passi City at Pototan Iloilo bunsod ng epekto ng low pressure area.

Ang nasabing mga lugar sa Iloilo ay nagdeklara ng state of calamity matapos binaha.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo Governor Atty. Arthur Defensor Jr., sinabi nito na tumulong na ang Provincial Government sa pagdagdag ng mga kailangan ng bawat local government units kagaya ng pagkain lalo na sa mga evacuees.

Nagpasalamat naman si Defensor sa mga ng lalawigan na sumunod sa abiso ng mga opisyal kung kaya’t walang naiulat na casualty.

Ayon sa gobernador, hindi dapat magdalawang isip na mag-evacuate lalo na kapag masama ang lagay ng panahon upang makaiwas sa peligro.