-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Muling ipapatupad ang General Community Quarantine sa Echague, Isabela matapos muling makapagtala ng panibagong COVID 19 positive

Ayon kay Punong Bayan Kiko Dy ng Echague na ang panibagong kaso ng COVID 19 positive ay hindi locally stranded individual at hindi rin overseas Filipino worker.

Habang nagsasagawa contact tracing ang mga otoridad sinabi ni Mayor Dy na isasailalim sa GCQ ang kanilang bayan.

Sa ilalim ng GCQ ay ibabalik ang isang beses sa loob ng isang linggo ang pamimili ng mga pangunahing bilihin ng mga mamamayan.

Lahat ng travel pass na hindi connected sa emergency, health at pagkain ay awtomatikong hindi valid.

Ipapatupad na rin ang liquor ban at curfew hour na magsisimula ganap na alas otso ng gabi sa Echague, Isabela.

Ang ibang mga checkpoints ay ibabalik na rin sa mga barangay upang maipatupad ng husto ang mga health protocol sa ilalim ng GCQ.