Hiniling ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa publiko na tawagin ito sa tama nitong pangalan.
Ito ay bahagi ng isang resolusyon (Resolution No. 156-015 series of 2023) na inaprubahan ng Kalayaan Municipal Council.
Huling ng konseho, dapat ay tawagin ang naturang bayan bilang Munisipalidad ng kalayaan at hindi lamang sa mas kilalang Pag-Asa Islands. Katwiran ng konseho, ang Pag-asa Islands ay isa lamang isla na bahagi ng WPS.
Ayon kay Kalayaan Councilor Maurice Phillip Alexis Albayda, ang naturang bayan ay nagsisilbing komunidad ng isang maliit na populasyon ng mga Pilipino.
Ipinunto rin ng konseho ang Presidential Decree 1596 na inisyu ni President Ferdinand Marcos Sr noong 1978 na nagdedeklara sa Kalayaan bilang separate municipality ng probinsya ng Palawan.
Samantala, kabilang sa mga sakop ng naturang bayan ay ang Patag, Likas, Lawak, Parola, Kota, Rizal Reef, Ayungin Shoal, at iba pang maliliit na isa na may kabuuang lawak na 66,000 square miles.
Ang naturang munisipalidad ay mayroong kabuuang 227 na residente ay 66 na pamilya.