-- Advertisements --


VIGAN CITY – Isinailalim ang isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Sur sa Modified Enhanced Community Quarantine dahil sa sunod-sunod na pagkakatala ng kaso ng covid-19.

Sa ilalim ng Executive Order No. 46 Series 2020 na pinirmahan ni Ilocos Sur Governor Ryan Singson ay dadaan sa MECQ ang bayan ng Tagudin simula November 30 hanggang December 14.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa 12 mula sa 22 na nairekord na covid-19 case sa probinsya ay galing sa nasabing bayan sa loob lamang ng limang araw.

Dahil sa pagdami ng kaso ng virus sa nasabing bayan at pagkakakumpirma sa local transmission ay ikinaalarma ng medical team ng Ilocos Sur kaya inirekomenda ng LGU na mula MGCQ ay magiging MECQ ang quarantine classification sa nasabing bayan upang ma-contaiin ang virus.