-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isinasailalim sa hard General Community Quarantine ( HGCQ) ang buong bayan ng San Isidro, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Ricson Cabauatan, OIC chief of Police ng San Isidro Police Station sinabi niya na sa bisa ng executive order number 24-2021 na ipinalabas ng Lokal na pamahalaan ay isinasailalim sa HGCQ ang buong bayan.

layunin ng naturang kautusan na mapigilan ang paglaganap ng COVID- 19 virus.

Lumabas sa pagsusuri ng lokal na pamhalaan na hindi mapigilan ang galaw ng tao pangunahin na ang mga motorista na naging sanhi para magkaroon ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa naturang bayan.

Dahil dito isa sa mahigpit na ipinapatupad ay ang travel restriction sa mga residente ng San Isdiro, Isabela.

Naglatag ng barangay checkpoints ang bawat barangay na pangangasiwaan ng mga opisyal ng barangay .

Kasalukuyan na ring ipinapatupad ang total liquor ban at ipinagbabawal ang pagsasagawa ng mass gathering.

Magiging mas mahigpit naman ang pagpapatupad ng mga health protocols sa naturang bayan habang nasa isilalim ng Hard GCQ.

Batay sa kanilang talaan mula unang araw ngayong buwan ng Abril ay nagkaroon na sila ng 28 na active cases at lima na ang mortalities.

Aniya, nakakaalarma ang naturang bilang para sa hanay ng pulisya na pangunahing na e-expose kung saan nasa 5 police personnel na ang nahawaan at kasalukuyang sumasailalim sa Quarantine.