-- Advertisements --
image 465

Nagpasa ng isang resolusyon ang lokal na pamahalaan ng Quezon, Palawan, upang hikayatin ang iba pang LGU, na suportahan ang pag-aayos sa BRP Sierra Madre.

Ang BRP Sierra Madre ay isang barkong pandigma na isinadsad sa Ayungin Shoal, West Phil Sea, upang magsilbing outpost ng Phil Military.

Batay sa resolusyon ng LGU Quezon, hinihikayat nito ang lahat ng munisipalidad sa buong Palawan na maglaan ng P500,000 upang magamit bilang pondo para sa pag-aayos/rehabilitasyon sa nasabing barko.

Nakasaad sa ipinasang resolusyon na ang malilikom na pondo ay ibibigay bilang tulong sa rehabilitasyon ng naturang barko, at mapagbuti pa ang kalagayan ng mga sundalong nakabase doon.

Una nang sinabi ng pamahalaan na mangangailangan ng hanggang sa P150million upang maayos o marehabilitate ang nasabing barko na ilang taon na ring isinadsad sa naturang lugar.

Maging ang kondisyon ng mga sundalong naninirahan sa naturang barko, ay apektado rin, dahil sa mga lumang pasilidad ng naturang barko.