-- Advertisements --

NAGA CITY- Pagbuhat mula sa depression patunggo sa tagumpay. Ito ang pagsasalawaran ng isang 20-anyos na Bicolano na nasungkit ang top 1 spot sa isinagawang April 2024 Midwifery Licensure Examination.

Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Judah Paulo Espero, mula sa Camarines Sur Polytechnic College-Nabua, sinabi nito na nakuha nito ang rating na 91.70% sa eksaminasyon sa kabila ng hirap at pagod na kaniyang kinaharap.

Ayon kay Espero nawalan na ito ng pag-asa lalo na ang makapasok sa topnotcher dahil sa labis na hirap na kaniyang pinagdaanan sa eksaminasyon.

Kaya labis na lamang ang kaniyang pagkabigla, pag-iyak dahil sa sobrang saya nang makita nito ang naging resulta ng exam.

Kaugnay nito, labis naman ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang pamilya, paaralan, mga kaibigan dahil ito umano ang kaniyang inspirasyon upang pagsumikapan na makamit ang kaniyang pangarap na hindi naging madali.