Inihain nina United States Senators Bill Hagerty at Tim Kaine, na kapwa mga miyembro ng Senate Foreign Relations Committee, ang Philippines Enhances Resilience Act of 2024.
Ito ay isang panukalang batas na naglalayong mas pagtibayin pa at I-modernize ang alyansa sa pagitan ng Pilipino at Estados Unidos sa pamamagitan ng pagdadagdag pa ng security assistance ng Amerika sa ating bansa.
Ang bipartisan legislation na ito ay alinsunod na rin sa ginagawang agresyon ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Senator Hagerty, kapwa kumakaharap sa lumalagong problema ngayon ang Pilipinas at Amerika sa security at prosperity sa West Philippine Sea at maging sa Indo-Pacific region.
Aniya, mahalaga para sa dalawang bansa na mas palalimin pa ang kooperasyon, gayundin ang mas pag-ibayuhin pa ang ilang dekadang alyansa ng mga ito.
Kasabay nito ay ipinunto naman ni Senator Kaine ang kahalagahan ng naturang hakbang lalo na ngayon na mas umiigting pa ang agresyon ng China laban sa Pilipinas gayundin sa mga bantang idinudulot nito sa security at stability sa buong rehiyon.
Samantala, kabilang sa mga nakapaloob sa Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 ay ang mga sumusunod:
– pagbibigay ng Amerika sa Pilipinas ng $500 million na Foreign Military Financing grant assistance sa bawat fiscal years mula 2025 hanggang 2029 – na may kabuuang $2.5 billion sa loob ng 5 fiscal years.
– pagsusumite ng annual spending plan ng Secretary of States sa pakikipag-ugnayan sa Secretary of Defense sa US Congress Para naman sa paggastos ng Foreign Military Financing ng US government bilang security assistance sa Pilipnas.
– gayundin ang pare-require sa Secretary of State, sa consultation ng Secretary of Defense at iba pang mga kinauukulang ahensya na magsumite ng annual report sa Congress Para sa naman sa mga hakbang sa pagpapaigting pa sa defense relation ng Pilipinas at Amerika.