-- Advertisements --

ILOILO – Inaabangan ang mga Pinoy na kasama sa casting ng upcoming American historical-drama film series kung saan bida ang Game of Thrones at Aquaman star na si Jason Momoa.

Kasama rin dito ay ang isa sa Bombo International Correspondents na si Dr. Reynand Dumalaon na isa ring PhD Researcher sa University of Auckland, New Zealand.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dumalaon, sinabi nito na ang papel niya sa pelikulang ito ay isang Filipino captive habang si Momoa naman ang hero o warrior chief na naipit sa colonisation ng Hawaii noong late 1700s.

Ang nine-episode film na Chief of War ay ang istorya ng unification at colonization ng Hawaii at ikinu-kuwento mula sa indigenous point of view.

Ayon kay Dumalaon, ito ang unang pagsabak niya sa international film at may nakakasama rin siyang ibang Filipino professionals na bahagi rin ng production sa New Zealand.

Nagsimula ang filming noong October 2022 at matatapos sa Hunyo ngayong taon.