Ipinahayag ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na magkakaroon muna ng isang buwan na testing ng internet voting para sa mga overseas voters.
Asahan din aniya ang pagsisimula ng pagsubok sa online voting upang makita at maging pamilyar ang mga Overseas Filipino Workers na boboto ngayong halalan.
Bagaman nagsisimula na ang pag-integrate ng internet ngayong eleksyon, may 17 posts ang hindi kasama rito, ibig-sabihin, ang poll body ay magpapadala pa rin ng mga makina sa embahada at kailangan na pumunta ng mga overseas voters para doon bumoto.
Samantala, ang Department of Foreign Affairs naman ay tiniyak na handang ipatupad ang online voting system alinsunod sa mandato ng poll body.
Dagdag pa ng ahensya, sisiguraduhin nila na makakaboto ang mga overseas voters sa iba’t ibang bansa. Isang buwan ang nilaan ng komisyon para sa overseas voting.
Ayon kay Garcia, bago makaboto gamit ang internet ngayong halalan ay kailangan na magpre-enrollment muna ang mga botante sa abroad. Magsisimula ito sa Marso 20 hanggang Mayo 7.
Kaugnay pa nito, ipinakita rin ng poll body ang website portal na gagamitin para sa pre-enrollment.
Makikita sa unang bahagi ng interface na kailangan munang ang general information ng botante.
May nilagay rin ang komisyon na One-Time Password o OTP para matiyak na tama ang nilagay na impormasyon.
Naglagay rin ng identification process kung saan nangangailangang magpakita ng identification card at pagkatapos ay kailangang i-verify gamit ang real-time face recognition.
Ang dulo ng ng pre-enrollment process ay voter’s validation upang mas matiyak na ang mismong nag-eenroll ay siya talaga ang boboto sa halalan.