-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tinitingnan ang posibleng pagpapalawig pa ng idineklarang lockdown sa bansang Italya dahil sa patuloy na paglobo ng mga nagpopositibo sa coronavirus.

Ayon kay Mona Liza Robrigado, OFW sa Venice, Italy sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, wala pang ibinababang pahayag ang pamahalaan ng Italya kung nagkaroon ng kahit improvement lamang ng sitwasyon.

Bagkus, umaakyat pa ang bilang ng mga nahahawaan ng COVID-19.

Hindi na umano malayong ituloy-tuloy pa ang lockdown kahit una nang inanunsyo ang pagtatapos ng hakbang sa Abril 3.

Kakabit rin nito ayon kay Robrigado ang pinaigting na protocols bukod pa sa kasalukuyang umiiral na multang mula sa €206 o katumbas ng P15, 000 hanggang P30, 000 para sa mga lalabag.

Limitado ang galaw ng mga residente at pinapayagan lamang lumabas kung may hawak na permit para sa pagbili ng mga pagkain at gamot.