-- Advertisements --

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese national sa Parañaque dahil sa umano’y ‘illegal practice of medicine’.

Kinilala ang chinese national bilang si Liu Xiaofeng alyas “Dong Dong”, na siyang naaresto ng mga operatiba ng Organized and Transnational Crime Division ng NBI sa isang entrapment operation sa lugar.

Nakuha sa suspek ang mga kagamitan gaya ng mga gamot tulad ng isang kahon ng Duo Fan Li para sa sakit ng tiyan, omeprazole enteric capsules, isang booklet prescription forms at dalawang stethoscopes.

Agad namang prinisenta ng ahensya si Liu sa korte para sa isang inquest proceedings sa Paranaque City Prosecutor’s Office para sa mga violations sa ilalim ng Sectio 10 in relation to Section 28 of Replublic Act 2382 o ang Mediacl Act of 1959; Section II in relation of RA 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 at sa ilalim ng Section 45 ng RA 10918 o ang Philippine Pharmacy act dahil sa pamemeke ng kaniyang medical background at pagiging in posession ng mga gamot.