-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isang concern citizen ang sumulat ng Open Letter para kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. matapos nabalot sa takot at gulat ang mga residente sa bayan ng San Nicolas dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa dalawang malagim na pamamaril na ikinamatay ng dalawang Kapitan at dalawang sibilyan.

Nakasaad sa liham na ilang Kapitan sa bayan ng San Nicolas ang nakakatanggap ng mga banta sa buhay na nagdulot ng pagkabahala ng mga residente at lokal na opisyal.

Hinihiling nila kay Pres. Marcos ang panunumbalik ng kapayapaan, kaayusan at katahimikan sa bayan ng San Nicolas kasunod ng sunod-sunod na krimen.

Una rito ay pinaslang si Barangay Chairman Francisco Bagay Jr. ng Brgy. 5 sa bayan ng San Nicolas noong Setyembre habang nitong Oktubre lamang, pinaulanan ng mga bala ng bari si ABC President Mark Adrian “Macky” Barba kasama ang kanyang dalawang bodyguard.

Sa ngayon, ang mga nasabing insidente ay kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya.