Aabot sa isang daang lokal na pamahalaan ang nakilahok sa ginanap na 2024 Walang Gutom Awards na inorganisa mismo ng Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian , naging katuwang nila ang Galing Pook Foundation habang nagpaabot naman ng pasasalamat ang kalihim sa mga LGU na nakibahagi.
Ito ay isang inisyatiba na kung saan aabot sa 17 na LGU nag pasok bilang finalists.
Sa nasabing bilang ng finalist, sampung LGU ang nanalo bilang huwarang LGU sa kanilang ginagawang hakbang upang malabanan ang gutom sa kanilang mga nasasakupan.
Ang 10 awardee ay nakatanggap ng tig Php2 milyon habang ang natitirang pito na finalist ay binigyan ng tig-₱1-M.
Ito sa ilalim pa rin ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD .
Ang premyong pondo ay siya namang gagamitin ng mga LGU para sa kanilang programa laban sa gutom
Ayon naman kay Secretary Gatchalian na ang pakikibahagi ng mga LGU ay patunay lamang na may kaagapay ang DSWD upang matugunan ang mga kaso ng Malnutrition at kalusugan sa Pilipinas.