-- Advertisements --
EDSA TRAFFIC

Plano ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory board na dagdagan pa ang mga Transport Network Vehicles Services na mabibigyan ng prangkisa.

Sa ilalim ng planong ito ay papayagan ng LTFRB na makakuha ng prangkisa ang 100,000 na sasakyan upang matugunan ang pangangailangan ng libo-libong pasahero sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB chairman Atty. Teofilo Guadiz III, mabibigyan lamang muna ng prangkisa ang 100k na sasakyan na una ng nagparehistro sa isang kilalang ride-hailing app.

Aniya, kung sakali man na hindi sapat ang naturang bilang ay dadagdagan ito ng ahensya upang mapunan ang pangangailangan ng mga pasahero.

Ito ay kasunod na rin ng “investment pledge” mula sa isang kilalang kumpanya na maaaring makapagbigay ng aabot sa 500k na trabaho para sa mga Pilipino.

Binigyang diin din ni Guadiz na susubukan rin ng kanilang ahensya na mabigyan ng prangkisa ang iba pang motor vehicle sa ibang parte ng bansa tulad na lamang ng lungsod na Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.

Pagsisiguro ng LTFRB na hindi susobra ang bilang ng mga rehistradong Transport Network Vehicles Services o TNVS sa bansa at tiniyak na hindi liliit ang kita ng mga TNVS drivers.