-- Advertisements --

LAOAG CITY – Namatay habang ginagamot sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac ang isa sa mga dalawang biktima ng insidente sa national highway, bahagi ng Barangay 9, San Pedro sa bayan ng Paoay .

Ito ang kinumpirma ni Police Chief Master Sergeant Christoper Tungpalan, imbestigador ng Philippine National Police sa naturang bayan.

Kinilala ni Tungpalan ang namatay na biktima na si Cogie Acar, 19-anyos, binata, estudyante at residente sa Batangay Bimmanga sa bayan ng Currimao.

Sinabi ni Tungpalan na ang kasama ni Cogie Acar na si Sherman Acar, ang driver ng motorsiklo ay matuloy na inoobserbahan sa ospital dahil sa seryosong kondisyon nito.

Inihayag ni Tungpalan na ang mga biktima ay galing sa bayan ng Paoay at pauwi na sana sa Currimao ngunit nawala ng kontrol sa manibela ang driver.

Dahil dito, bumaliktad ang biktima at nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi na kanilang katawan.

Lumalabas na ang mga biktima ay nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.