-- Advertisements --
Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang isang gate ng Magat Dam hanggang kaninang Linggo ng umaga, ayon sa PAGASA-Flood Forecasting and Warning Section.
Isa sa mga gates ng dam ay binuksan ng hanggang dalawang metro, mas mataas kumpara sa one-meter opening kahapon, Sabado.
Kaninang alas-6:00 ng umaga, ang lebel ng tubig sa reservior ng naturang dam ay pumalo sa 190.91 meters, o mas mababa ng 0.15 mters kaysa 191.06-meter reading kahapon ng umaga.
Ang normal high water level ng Magat Dam ay 193 meters.
Samantala, ang lebel ng tubig naman sa Angat Dam sa Bulacan ay patuloy na bumababa at pumalo sa 195.10 meters kaninang alas-6:00 ng uamga.
Ito ay mas mababa sa 212-meter na normal high water level ng Angat Dam.