Hinikayat ng isang organisasyong nagsusulong ng family planning ang Food and Drug Administration (FDA) na isaalang-alang ang reversing ng 20-year-old ban sa paggamit ng emergency contraceptive (EC) pills.
Sa kabila ito ng unti-unting pagbabalik ng bansa sa in-person operations ngayong patuloy na bumababa pa ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Ayon kay DKT Philippines Foundation chair Hyam Bolande, ito ay dahil sa pinangangambahan daw ng mga health experts ang muling pagdami ng bilang ng teenage pregnancy sa bansa ngayong nagluwag na ang mga restriksyon na ipinatutupad sa bansa.
Ang EC pill na mas kilala rin sa tawag na morning-after pill, ay isang popular option upang maiwasan ang pagbubuntis.
Sa kanilang pag-aaral ay lumalabas na 79% sa mga wala pang asawang Pinay ang mas gusto ang EC method.
Ngunit batay naman sa resulta ng online survey ng DKT, tanging tatlong porsyento lamang ng mga doktor ang nasabing naniniwala sila na ang mga EC pills ay maaaring magdulot ng abortion, 68 porsyento naman ang nagsasabing dapat itong muling isaalang-alang ng FDA, habang 10% ang tutol sa paggamit nito habang ang mga natitira naman ay undecided.
Magugunita na hanggang noong taong 2019 ay palaging kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamataas na rate ng teenage pregnancy sa buong Southeast Asia, kung saan ay nakakapagtala ng average na 495 births kada araw sa bansa ayon sa mga pag-aaral.