-- Advertisements --

Nanawagan ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers.

Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa.

Sa isang statement ay nanawagan ang nasabing grupo para sa P21,000 na minimum wage para sa lahat ng mga government workers sa buong bansa.

Katuwiran ng grupo, ang pinakamababang salary grade na salary grade 1 sa ilalim ng Salary Standardization Law ay tanging nasa P12,517 kada buwan, malayong-malayo daw sa buwanang kitang tinataya ni dating National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia na nagkakahalaga sa P42,000 na kinakailangang halaga ng isang tipikal na pamilyang Pilipino para sa makapamuhay ng maayos.

Binanggit din ng grupong COURAGE sa naturang statement ang mga pagkakaiba sa klasipikasyon ng sahod na natatanggap ng mga manggagawa sa local government units (LGUs) bilang compensation.

Nananatili rin anilang pareho at hindi nadadagdagan ang sahod ng mga lowest level workers sa government-owned controlled corporations (GOCCs) alinsunod sa Compensation and Position Classification System (CPCS).