Tinuligsa ng isang grupo ng mga magsasaka ang isinulong na Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ng Department of Agriculture (DA).
Sa isang pahayag ay nanawagan ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa susunod na administrasyon na tiyakin na mapanatili ang localized food production upang matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pagkain.
Ayon sa grupo, dapat ay siguruhin ng susunod na administrasyon
Nanawagan ito para sa food self-sufficient at rural livelihood opportunities bilang panimula sa Philippine food and agriculture program.
Sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So na ang susunod na henerasyon ay uunlad lamang kung ibibigay sa mga magsasaka at iba pang producers ng pagkain ang karampatang proteksyon at suporta.
Dagdag pa niya ay natatangi ang gobyerno ng Pilipinas dahil sa pagkakaron ng agricultural department na magsasagawa ng pagtataas sa pag-import sa lahat ng mga produktong pang-agrikultura at pagbabawas sa taripa ng mga pangunahing pagkain.
Una rito ay nanawagan na rin sa Senado ang grupo na tanggihan ang nasabing programa dahil sa makakasama daw sa mga local agriculture sectors ang nasabing mega free trade deal sa ilalim ng RCEP na kasalukuyan pa rin na pinaguusapan sa Senado kung sasang-ayon ba ito o hindi sa pagpapatibay ng Palasyo sa nasabing programa noong buwan ng Setyembre.