-- Advertisements --

Naghain ng petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) ang isang grupo para ikansela ang kandidatura ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang mga petitioners ay binubuo ng mga political detainees, human rights at medical organization na hindi sang-ayon sa pagiging diktador ni Marcos.

Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat na tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno si Marcos matapos na hatulan siya ng Quezon City Regional Trial Court noong 1995 dahil sa bigo itong maghain ng income tax returns.

Sinabi ng abogado ng grupo na si Atty. Theodore Te na ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos ay naglalaman ng maraming kasinungalingan.

Isa na dito ang pagsasabing kuwalipikado ito sa pagtakbo sa pagkapangulo ng bansa sa 2022 election kahit ang katotohanan ay diqualified din ito.

Pinanghahawakan din ng grupo ang desisyon ng Court of Appeals laban kay Marcos na wala na ring nag-apila sa Korte Suprema kaya maituturing na ito ay final.