CAUAYAN CITY – Naitala ang kauna unahang kaso ng COVID 19 sa lunsod ng Santiago sa katauhan ni PH3987, 46 na taong gulang na babae, isang health worker na residente ng Santiago City.
Si PH3987 ang pang 24 na nagpositibo ng COVID 19 sa region 2 .
Ang health worker ay may history ng paglalakbay sa New Clark City, Tarlac noong ikaapat ng Marso kung saan bahagi siya ng pangkat ng mga health worker na tumulong sa operasyon ng Quarantine para sa mga Overseas Filipino Worker na sakay ng Diamond Cruise Ship.
Bumalik si PH3987 noong 13 ng Marso at sumailalim sa Home Quarantine bago bumalik bilang health woprkers ng Southern Isabela Medical Center.
Nakaranas ng pananakit sa lalamunan o sore throat si PH3987 noong ikatatlumpu’t isa ng Marso at nagpakonsulta noong ika-anim ngayong Abril at kinunan ng Spicemen upang masuri para sa COVID 19.
Nagpositibo sa COVID 19 ang health worker at kasalukuyang ginagamot ngayon sa SIMC.
Nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ni PH3987 ang Regional Epidemiology Surveillance Unit kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Pamahalaang Lunsod ng Santiago
Samantala, 17 sa 24 na kaso ang naka-recover na sa COVID 19 habang isa ang naitalang namatay sa Solano, Nueva Vizcaya.