Sumabog ang isang homemade bomb na tinawag na molotov cocktail sa isang paaralan sa Chile na naging sanhi ng pagkakasugat ng 34 na estudyante at isang guro.
Sa naging inisyal na report ng mga awtoridad, gumagawa ng pampasabog na molotov cocktail ang mga naturang estudyanteng nasa mga edad 15-18 na taong gulang sa isang palikuran para sa isang gaganapin sanang protesta nang isa sa mga improvised explosive ang bigla na lamang sumabog.
Ayon kay Fire department Capt. José Manuel Estefane, 11 mga estudyante ang may mga malubhang mga sugat at sunog sa kanilang mga katawan na agad namang dinala sa mga ospital sa lugar.
Dagdag pa sa imbestigasyon, ito ay nagpapakita ng aktibong pakikiisa ng mga highschool at college students sa aktibismo na tumataliwas sa gobyerno at mga elitista sa naturang bansa.