Kabilang ang isang Ilongga overseas worker sa libu-libong namatay kasunod ng 7.8 magnitude na lindol sa Turkey at Syria.
Sa inisyal na impormasyon, na-trap sa gumuhong building ang Ilongga sa Antakya na sakop ng Hatay o ang southernmost province ng Turkey.
Ayon kay Bombo Mary Jane Belgira, international correspondent sa Turkey, ang Hatay umano ang lugar kung saan naninirahan ang karamihan ng nga Pinoy na nag-tatrabaho sa nasabing bansa.
Ang Ilongga casualty na ito ay maliban pa sa isang Pinay na namatay rin umano kasama ng ama ng kanyang employer sa Hatay.
Sa ngayon pahirapan pa ayon kay Belgira ang linya ng komunikasyon sa naturang probinsya at hindi rin madali ang pagdala ng donations dahil nasira ang mga daan at nag-collapse ang mga building.
Malaki rin umano ang posibilidad na madagdagan pa ang casualties dahil patuloy pa ang search at rescue operations sa kabila ng snowy temperature.