Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang isang indibidwal sa Pasig City dahil sa pagkakaroon nito ng ilegal na droga,, falsification of documents, at computer-related fraud.
Ito ay matapos na magsampa ng reklamo ang Gardenia Bakeries Philippines sa NBI para sa Economic Sabotage, Illegal Access at Computer-Related Fraud laban sa ilang indibidwal.
Na access umano ng nasabing mga indibidwal ng walang pahintulot ang kanilang Fleet Hub Account.
Lumikha rin ng bagong user ang mga suspect na nagresulta sa pagkakakuha ng diesel at gasoline products sa iba’t ibang Gasoline Stations ng isang kilalang kompanya na nagkakahalaga ng Php 14,475,556.26.
Batay sa naging pagsusuri sa mga isinumiteng IP logs ay nakumpirma na na kumpurmiso ito dahil sa ginawa ng mga suspect.
Ang iligal na pag-access na ito ay humantong sa malisyosong paglikha ng ilang Fleet Hub account sa ilalim ng mga hindi awtorisadong pangalan.
Tiniyak naman ng NBI na kanilang hahabulin ang natitira pang suspect sa naturang ilegal na aktibidad.