-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -Bayombong District Office ang isang individual na sangkot sa kasong homicide.

Kinilala ng mga otoridad ang suspect na Felicisimo Doming Arce Jr. na inaresto sa Barangay Sanafe, Lamut, Ifugao sa bisa ng Warrant of Arrest.

Ayon kay NBI Director JAIME B. SANTIAGO, nakatanggap umano ang kanilang ahensya ng impormasyon mula sa kanilang informant na ang suspect na nag apply para maging bahagi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ay may kasong Murder sa Bulacan at 22 taon nang nagtatago sa batas.

Matapos ang isinagawang beripikasyon, natukoy na ang suspect ay may kinakaharap na kasong Homicide na inihain sa Regional Trial Court of Malolos, Bulacan

Nagbabala naman si Santiago sa mga indibidwal na sangkot sa anumang uri ng krimen na hindi sila makakatas sa batas at makabubuti na sumuko na lamang.