DAVAO CITY – Napatay ng pulisya ang isang “John Doe” na ikaapat na tinuturing suspek sa Bragas Rape-Slay case matapos umanong manlaban sa isinagawang pag-serve ng Warrant of Arrest sa kanyanag bahay sa may Sirib, Calinan, nitong lungsod.
Ayon sa ulat ng Calinan PNP, alas 10:40 ng gabi habang inihatid ng pulisya ang warrant of arrest sa kanyang bahay upang arestuhin dahil sa kasong pangagahasa, biglang bumunot umano ito ng .38 revolver at pinaputukan ang mga operatiba.
Dahil dito rumesbak ang mga otoridad dahilan ng agarang pagkamatay ng suspek. Nakilala ang suspek na si Jimmy Lobiano na taga Brgy. Sirib, Calinan.
Ayon sa pulisya itinuro si Jimmy na isa sa mga suspek sa nasabing krimen,matapos na magsumbong ang may-ari ng umbak na kanyang nirentahan bago paman ang nangyaring pagpatay at panggahasa sa isang Arkitekto.
Samantala,itinanggi naman ng pamilya ang napatay na suspek na ito ay nanlaban sa pulisya matapos isinilbi ang warrant of arrest.
Kamakailan lang una ng kinasuhan ang apat na idinawit sa krimen na sila Renato Bayansao, Kent Espinosa, Dennis Panzan at John Doe dahil sa krimen.
Si Dennis ang unang nakitang nakabalot ng packaging tape ang mukha na may pasa sa kanyang katawan, matapos itong makatakas sa mga dumukot sa kanya at namatay din kinalaunan, samantalang si Kent Espinosa naman hanggang ngayon hindi pa rin nakauwi matapos dinukot ng nakasakay na SUV dalawang buwan na ang nakalipas habang si Renato Bansayao ang naka-detain ngayon sa PDEA matapos madakip sa drug buybust operation.
Kung maalala, Si Vlanche Marie Bragas ay huling nakitang buhay noong gabi ng May 16,2023 matapos makunan ng CCTV sa Poblacion Calinan na sumakay sa dilaw na “umbak.”
Nakita naman syang patay alas 6:00 ng umaga noong May 17,2023 sa gitna ng Banana Plantation at ayon sa imbestigasyon ng pulisya ginahasa ito matapos pinatay.