Isang kalahok ng 1st Guinayangan Motorcycle Endurance Challenge ang namatay habang sugatan naman ang nakasalpukan nito sa nangyaring aksidente sa Agdangan, Quezon.
Kinilala ang suspek na si alyas Kim, 27 anyos, residente ng Brgy. Sinagawsawan, Del Gallego, Camarines Sur, habang kinilala naman ang biktima na si alyas Jayson, 27 anyos, residente ng Brgy. Malibago, Ibabang Cambuga, Mulanay, Quezon.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ang Agdangan Municipal Police Station ng tawag alas 8:30 ng umaga kung saan may nangyaring aksidente sa Brgy. Salvacion na parte ng kanilang bayan, rason upang kaagad silang pumunta sa lugar upang mag-responde.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagmamaneho si alyas Jayson ng isang Hiace Commuter sa provincial road na parte pa ng Brgy. Salvacion papunta sa Lucena City nang marating nito ang kurbadang parte ng daan.
Papunta naman sa Unisan, Quezon si alyas Kim sakay ng isang NMAX ABS BKT2 nang ito’y mag-overshoot at makapasok sa lane ni alyas Jayson, rason upang magsalpukan ang kanilang mga sasakyan.
Agad na dinala ang dalawa sa isang ospital ngunit idineklara rin lang na dead on arrival si alyas Kim ng isang doktor.
Sa kasalukuyan, pinag-uusapan na ang amicable settlement ng magkabilang panig para sa nangyaring aksidente.