-- Advertisements --

Naka-recover na raw ang 16 na indibidwal na nahawaan ng isa sa mga naitalang nagpositibo mula sa South African variant ng COVID-19 sa Pasay City.

Ito ang pagtitiyak ni Pasay City Mayor Calixto-Rubiano sa naging panayam ng Bombo Radyo Philippines.

Ayon sa alkalde, isa sa mga naitalang nagpositibo mula sa bagong variant ng nakamamatay na virus ay nahawaan ang kaniyang mga kasama sa bahay.

Siniguro naman ni Mayor Calixto-Rubiano na noong Marso 3 ay naka-recover na ang lahat ng ito at wala na silang ibang nahawa pa. Sumailalim na rin aniya ang mga ito sa ikalawang swab test para tiyakin na negatibo na sila sa COVID-19.

Dagdag pa nito na kaagad isinailalim sa isolation ang apat na kaso ng South African variant ng COVID-19 na na-detect sa kanilang lungsod.

Kaagad ding sumailalim ang mga ito sa contact tracing, swab test, gayundin ang mga na-expose sa kanila.