-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Ports Authority na isang babaeng pasahero ang nahulog habang nag titiktok sa barko na Montenegro Santa Brigida na may rutang Batangas patungong Calapan kahapon.

Ayon sa ulat natagpuan ng isang mangingisda ang nasabing pasahero.

Kaagad naman itong naisalba at nailigtas ng nasabing ng mangingisda at naisakay pabalik sa nasabing barko.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Daria Regalario Maranan residente ng Sta. Rita, Oriental Mindoro at isang Tiktoker.

Batay sa mga saksing pasahero ng barko, nawalan ito ng balanse habang kumukuha ng video para sa kanyang kontent na dahilan ng kanyang pagkahulog.

Agad na itinawag ng PMO Mindoro sa Calapan City Safety Department ang nasabing pangyayari para sa karagdagang medical assistance.

Inalis din ng mga port police officers ang lahat ng harang at mga balakid sa rampang dadaungan ng barko upang dire-diretso ang pagpasok at paglabas ng ambulansya sa pantalan.

Pagdating sa pantalan, dinala agad ang naisalbang pasahero sa pinakamalapit na ospital.