Pinaigting pa ng South Korean shipbuilder na Hanwha Ocean ang paglikha ng pares ng submarines para sa Philippine Navy upang matapatan ang panukala ng shipbuilding giants mula sa France at Spain.
Matatandaan nagtungo sa dito sa bansa ang executives mula sa Hanwha Ocean noong nakalipas na linggo para pormal na ihayag ang pinakabagong 2,800 Jang Bogo-III submarines sa PH Navy para sa updated proposal nito.
Ito ay 77 meter diesel-electric submarines na equipped ng pinakabagong propulsion system at lithium-ion battery technology na sisiguro sa enhanced defense capbility ng PH sa pagprotekta ng ating soberaniya at strategic maritime interests.
Ang Jang Bogo-III submarines ay kasalukuyang inooperate ng Republic of Korean Navy sa loob na ng 2 taon.
Ang dalawang boat submarine na alok ng South Korean firm ay target na maabot ang P97 bilyong pondo ng PH Navy bilang parte ng submarine force package kung saan kasama na dito ang pagsasanay, technology transfer, safety at integrated logistics suppor, simulators at maintenance yard sa Subic Bay o kung saan gusto ng Navy.
Kabilang din sa government-to-government deal ay ang pangmatagalang loan kasama ang delivery sa loob ng 7 taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan.