Naararo ng isang kotse ang 35 indibidwal na nagsasagawa lang sana ng exercise sa isang sports center sa China.
Ayon sa naging imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente, kinilala ang driver na isang 62 taong gulang lalaki na nagamok umano dahil hindi ito masaya sa naging divorce settlement umano sa pagitan ng kaniyang asawa.
Sinubukan din umano ng lalaki na takasan pa ang ginawang pagaamok na siyang kumitil sa 35 na indibidwal at nagresulta sa 43 kataong sugatan na kasalukuyan nang nagpapagaling sa mga pagamutan.
Tinawag naman na ‘deadliest’ ng China ang insidente kung saan ito ang pinakamataas na bilang ng mga namatay at nasagutan matapos ang taong 2014.
Samantala, nangako naman ang Chinese leader na si Xi Jinping na papanagutin sa batas ang may sala sa insidente dahil sa ginawa niyang tinawag naman nitong ‘extremely vicious’.
Ilang mga residente naman ang nag-alay ng mga bulaklak sa sportscenter na siyang pinangyarihan ng insidente.