NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos itong makuryente sa sarili nitong bahay sa Mauban, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Bernardo Blastique Tejada, 61 anyos, reisdente ng Brgy. Mabato, Mauban ng nabanggit na probinsya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakakuha aniya ng tawag ang Mauban Municipal Police Station alas-11 ng umaga kahapon Mayo 13 galing sa kapatid ng biktima na nakuryente ito.
Kaagad naman na binigay ng nabanggit na istasyon sa MDRRMO personnel ng Mauban at nagresponde rin sa lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-10 aniya ng umaga nang nagdala ang kaibigan ng biktima ng pagkain para dito at nakita itong nakahiga sa kanyang kama.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan lumabas na ang pagbukas sa bulb sa kwarto ng biktima ginagawa sa pag-ikot nito ng clockwise at counter-clockwise.
Dinala naman ng Mauban MDRRMO ang biktima sa isang ospital ngunit idineklara rin lang naman ito dito na wala nang buhay.
Wala naman nakitang foul play sa isinagawa ditong eksaminasyon.