Sumuko na sa mga awtoridad ang isang 40 anyos na lalaki at inamin nitong siya ang responsable sa pagtatapon ng cocktail sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Sa kabila ng pag-anin nito ay hindi pa rin magawang maniniwala ng mga awtoridad sa kredibilidad ng kanyang claim.
Ayon kay Police Brig. Gen. Jack Wanky, director ng PNP Aviation Security Group, ang naturang pagsuko ay naganap sa Airport Police Department ng naturang paliparan.
Hindi rin aniya masagot ng lalaki kung paano niya ginawa ang pagtatapon ng naturang cocktail sa NAIA.
Bigo rin itong idetalye kung saang parte ng Paliparan niya ito itinapon.
Dahil dito, lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na maaaring may problema ito sa pag-iisip.
Kaagad naman itong itinurnover sa Pasay City Police Station para sa profiling at upang malaman kung may record na ito at kung ano ang totoong motibo niya sa pag amin.
Kung maaalala, kinumpirma noon ng Ninoy Aquino International Airport ang nangyaring insidente ng pagsabog sa paliparan noong September 23 na nagdulot ng pinsala sa lugar.