-- Advertisements --

Inanod ang isang lalaki ng rumaragasang tubig-baha sa Bagyong Carina sa Montalban Heights San Jose sa Rodriguez, Rizal.

Batay sa live video galing sa isang netizen, bigla na lamang itong inanod habang suot ang kaniyang kapote at maging ang kaniyang helmet.

Ang nasabing malalang bahala ay dulot pa rin ng nararansan nating Bagyong Carina na mas pinalakas pa dahil sa habagat.

Dagdag pa ni Ericson Estrera na siyang video uploader, mula pa raw umano sa bundok ang kulay brown na tubig baha.