ng 30 taong pagkakakulong ang isang lalaki mula Chicago dahil sa paghingi ng mga malalaswang larawan at videos mula sa 9 na menor de edad na kababaihan mula sa Pilipinas.
Ayon sa US Attorney’s Office for the North District of Illinois, umapela ng not-guilty plea ang 58 anyos na suspek na si Karl Quilter sa nakalipas na taon mula kaso nitong sexual exploitation sa mga bata.
Inamin naman ni Quilter sa isang plea agreement na nakipag-communicate siya sa mga biktima gamit ang online platforms mula 2017 hanggang 2020.
Tinatawag nito ang minor victims na kaniyang mga kasintahan para manipulahin at i-pressure ang mga ito na magpadala ng mga larawan at videos na kaniyang hinihingi.
Sinabi din ng US attorney’s office na sinamantala ng suspek ang financial difficulties ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpapadala ng pera sa kanilang pamilya para mahikayat ang mga biktima na magrecord ng sexually explicit images.
Noong 2017 at 2018, lumipad patungong Pilipinas si Quilter at tahasang inihayag ang kaniyang plano na makipagtalik sa ilang mga menor de edad sa kaniyang sunod na pagbisita sa bansa noong Disyembre 2020.
Subalit bago pa man ito, naaresto na si Quilter sa Chicago noong Nobiyembre 2020.