Patay ang isang lalaki matapos malunod sa Nayom River, Brgy. Nangalisan, sa bayan ng Infanta, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Mario Millan, 48 anyos, may asawa, construction worker at residente sa naturang barangay.
Ayon kay PLT Jowell Medios, deputy chief of police ng Infanta Police station, base sa kaniyang pagsisiyasat, nagpunta ang biktima sa ilog para kunin ang hinarvest na isda sa kanyang fish net subalit, umabot na ng umaga ay hindi na nakabalik kaya kinaumagahan ay sumunod sa ilog ang kanyang kamag anak na si Esmael Merino para hanapin ito at nakita niya na lumulutang na sa ilog ang biktima.
Pinaghihinalaan na nakainom ng kaunti ang biktima at nahulog sa ilog na may lalim na 20 feet.
Agad na dinala ang biktima sa Rural Health Unit pero deneklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.