-- Advertisements --

Nasawi ang isang lalaki matapos makuryente umano mula sa isang nakalaylay na kawad ng kuryente sa baha sa Tondo, Maynila nitong hapon ng Miyerkules.

Tinukoy ng Manila Police District ang naurang biktima na si David Gerona 32 anyos na residente ng Delpan Street, Tondo, Manila.

Sa ulat mula sa pulisya, natagpuan ang katawan ng biktimang lumulutang sa baha sa harapan ng Immaculada school sa may Tayuman Street, Barangay 232, Tondo, Manila.

Isinugod ang nasawing biktima ng kaniyang kapatid sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Hinimok naman ang publiko na mag-ingat at iwasan ang lugar matapos ang insidente.
Top