-- Advertisements --

Plano ni bagong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Acting board member Imelda Papin na gawing Lunes hanggang Linggo ang serbisyo ng ahensiya sa mga Pilipino.

Ito ay upang matiyak ang aniya’y “Isang Linggong Serbisyo” na magbibigay serbisyo kahit pa weekend, para sa mga mga kliyente nito.

AYon kay Papin, dati na niyang nasabi ito kay PBBM at ikinatuwa naman umano ito ng pangulo.

Ang naturang inisyatiba ay dahil na rin sa aniya’y maraming mga Pilipinong nangangailangan ng serbisyong medical at ang naturang pangangailangan ay walang pinipiling araw.

Noong Hunyo-4, 2024 nang nag-oath si Papin sa kanyang bagong posisyon.

Dati rin siyang nagsilbing vice governor ng Camarines Sur mula 1998 hanggang 2004 at mula 2019 hanggang 2022.