DAVAO CITY – Kinumpirma ng Davao City Health Office (CHO) ang pinakaunang rabies-infected death na natala sa lungsod ngayong taon.
Ayon kay City Health Office (CHO) officer-in-charge Dr. Marjorie Cula, isang 72 gulang na lola na residente sa Brgy. Indangan ang biktima.
Aniya nagpakain lang sa aso ang biktima ng kagatin ito. Hindi umano nagpagamot ang biktima na siyang dahilan ng komplikasyon sa rabies na humantong sa kamatayan.
Kung kaya’t nagpa alala ang CHO na kong makagat man ang aso o pusa at kahit na galos lang ang tinamo nito ay kaagad na magpakonsulta o bumisita sa animal bite center upang mabakunahan kontra rabies.
Mahigpit din ang paalala ng CHO sa mga pet owner na maging responsably na kailangang bakunahan ang mga aso ng anti-rabbies, ikulong at talian upang hindi magpagala gala.