-- Advertisements --

ILOILO CITY- Ikinagulat ng mga residente ng barangay Talangodian sa bayan ng Sta. Barbara, Iloilo ang pag-ulan ng yelo na kasing laki ng butil ng mais.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Charlie Depra ng PAG-ASA,Iloilo, sinabi nito na nangyari ang pag-ulan ng yelo o hailstorm kasabay ng pananalasa ng buhawi sa Brgy. Tagsing na katabi lang ng barangay Talangodian.

Ayon kay Depra, tumagal lang ng ilang minuto ang pag-ulan ng yelo.

Nilinaw naman ni Depra na natural phenomenon ang hailstorm na hindi dapat katakutan ng publiko.

Ito ay nangyayari kapag ang mataas na temperatura ay tumama sa lupa, na nagdudulot ng pag-ulan at sa pagpatak ng ulan ay nagiging yelo ito bago tumama sa lupa.