-- Advertisements --

Mahigpit na pinagbabawal sa estado ng Assam sa India ang pagkatin ng karne ng baka sa mga pampublikong lugar.

Kasama na pinagbabawalang kumain ng karne ng baka sa mga restaurant at tuwing mayroong kaganapan.

Ito ang mas pinalawig pa na panuntunan sa pagbebenta ng karne ng baka malapit sa mga religious na lugar gaya sa templo.

Paliwanag naman ni Chief Minister Himanta Biswa Sarma, na maaari pa ring makabili ng karne ng baka sa mga palengke at ito ay kainin sa kanilang bahay o sa mga pribadong establishimento.

Isa umanong sensitibong isyu ang pagkain ng baka sa India kung saan malaki ang pagrespeto ng mga Hindu sa mga baka.

Aabot sa 80 percent ang populasyon ng baka sa nasabing bansa.