-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na nagsagawa ng clearing operation ang Engineering Office ng Monkayo Davao de Oro matapos ang nararanasan na mudslide sa Sitio Waling-Waling, Barangay Banlag dulot ng nararanasan na mga pag-ulan sa lugar.

Isinagawa ang nasabing hakbang matapos matabunan ng putik ang kalsada sa lugar na posibleng magdulot ng epekto sa mga epekto sa mga residente at motorista sa lugar.

Nabatid na marami paring mga residente ng Davao de Oro ang nakakaranas ng mga pagbaha dahil sa mga pag-ulan kung saan ilan sa mga residente ang hindi pa nakauwi sa kanilang mga bahay dahil lubog sa tubig baha ang kanilang mga bahay.