-- Advertisements --

Inilagay sa lockdown ng mga opisyal ng Galicia, Spain matapos ang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Dahil dito ay hindi papayagang makalabas ang nasa 70,000 na residente ng lugar.

Ayon sa regional health officials ng Galicia, na magiging mahigpit ang pagpasok at paglabas sa kanilang lugar sa loob ng limang araw.

Mahigpit din nilang ipinag-utos ang pagsusuot ng facemask kapag nasa pampublikong lugar.

Umaabot na kasi sa kabuuang 258 na kaso ng COVID-19 sa Galicia.