-- Advertisements --

DAVAO CITY – Agad na pinayuhan ng mga personahe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga residente na naninirahan malapit sa dagat partikular na sa Sitio Manacan, Barangay San Agustin, Sta. Maria, Davao Occidental matapos makaranas ng malalaking alon ang lugar dulot nga hanging amihan o sobrang lakas ng hangin dahilan na pumasok na sa kanilang mga bahay ang tubig dagat.

Ayon sa MDRRMO, ilan sa mga bahay ang partially damaged matapos hampasin ng mga malalaking alon habang ang iba naman ay pinasok lamang ng tubig dagat.

Bagaman wala namang naitala na casualty ang mga otoridad matapos ang nasabing insidente.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), patuloy na mararanasan ang malakas na mga pag-ulan ito ay dahil sa shearline na nakaapekto ngayon sa silangang bahagi ng Mindanao.