-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos itong saksakin ng itak sa Buenavista, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Dominggo San Pedro Olaviaga, 50 anyos, residente ng Brgy San Roque Catanauan, Quezon, habang kinilala naman ang suspek na si alyas Jerry, 58 anyos, residente ng Brgy. Maligaya, Buenavista, sa kaparehong probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na pumunta aniya sa Buenavista Municipal Police Station ang Barangay Kapitan ng Brgy.Maligaya, Buenavista alas-6:45 kagabi, Abril 12, upang i-report na mayroong naging biktima ng pananaksak sa kanilang barangay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-3:30 aniya kahapon, Abril 12, habang ang biktima ay sakay sa motorsiklo nito, nang bigla na lang aniyang sumigaw ng mura si alyas Jerry, inilabas ang itak nito, at sinaksak sa kaliwang parte ng kanyang tiyan ang biktima na si Dominggo na kaagad nitong kinamatay.

Pagkatapos ang krimen, kaagad aniya na boluntaryong sumuko ang suspek sa chief tanod ng Brgy. Maliga, Buenavista.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Buenavista Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.