-- Advertisements --
sen nancy binay
Sen. Nancy Binay

Naniniwala si Senate Ethics and Privileges Chairperson Nancy Binay na ang kultura ng karahasan ay walang lugar sa isang sibilisadong lipunan.

Ang dahilan aniya kung bakit nasuspinde ang ROTC program ay dahil sa katiwalian, pang-aabuso at hazing.

Dagdag pa ni Binay, kinakailangan aniyang itigil ang dekadenteng kultura at marahas na tradisyon na matagal nang nakapaloob sa sistema.

Napakahirap unawain, giit pa ng mambabatas, na ihanay at itugma ang pag-ibig sa bayan sa isang kurso sa pagsasanay na may depekto sa kaibuturan.

Aniya, Iba’t iba ang hugis ng patriyotikong pagmamahal, at lahat ay may sari-sariling paraan ng hindi mapanakit na pagdidisiplina.

Ang ibig lang sabihin, hindi hawak aniya ng ROTC ang prangkisa ng pagdidisiplina o pagmamahal sa bayan.