-- Advertisements --
image 541

Iminungkahi ni Senate deputy minority leader Risa Hontiveros ang permanenteng blacklisting ng tatlong trading companies na nauugnay sa kanyang inilarawan bilang government-sponsored sugar smuggling kung may makikitang iregularidad.

Ayon kay Hontiveros, madaming tanong na kailangang masagot, lalo na pagdating sa pananagutan ng tatlong kumpanya na nakaambang solohin ang importaasyon ng sugar supply ng bansa.

Aniya, kung sangkot sila sa kapabayaan o anomalya, dapat ay agaran umano silang ilagay sa blacklist ng Department of Agriculture at sampahan ng criminal o administrative case.

Inilabas ni Hontiveros ang pahayag habang isinusulong niya ang imbestigasyon ng Senado sa pinakabagong kontrobersya sa pag-import ng asukal.

Kaugnay niyan, sinabi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na ipinagpatuloy niya ang agarang pag-aangkat ng asukal habang itinuturing niyang sugar order ang isang memorandum na inilabas ng Office of the Executive Secretary.

Binigyang-diin ng senadora na dapat suriing mabuti ang tatlong kumpanya para sa anumang iregularidad o criminal liability na may kinalaman sa kanilang mga tungkulin sa umano’y iligal na pag-aangkat ng tone-toneladang asukal sa bansa.

Iginiit niya na kailangang aksyunan agad ang isyung ito para maibaba umano ang presyo ng asukal at iba pang produktong pagkain na kailangan ng bawat pamilyang mga Pilipino.