Isinusulong ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang isang panukakala para gawing legal ang motorcycle taxis bilang public utility vehicles (PUVs) sa gitna ng demand para sa dagdag na opsyon sa murang transportasyon ng mga mananakay sa Metro Manila.
Ayon kay Ejercito, mahalagang magkaroon ng batas para dito dahil sa kasalukuyan pinapayagan lang silang mag-operate sa pamamagitan ng provisional authority na inisyu sa kanila ng Department of Transportation (DOTr).
Maliban kay Ejercito, marami pang senador ang naghain ng mga panukala para i-legalize ang motorcycle for hire.
Kabilang dito sina Sen. Grace Poe. Sen. Sonny Angara, Sen Imee Marcos at Sen. Ramon Bong Revilla Jr.
Aniya, ang mga sinumite, tulad nina Senator Grace Poe, chairman ng public services committee ay ma-legalize na itong ganitong operation.
“Makita kasi natin ang competition… the motorcycle and couriers, lalo na nitong pandemya… lalo na ngayon medyo na matindi na ulit ang traffic.” ani Ejercito.
Noong Hulyo 2022, inihain ni Ejercito ang Senate Bill Number 167 o Public Utility Motorcycles Act.
Layunin ng panukala ni Ejercito na amiyendahan ang 58 taong Republic Act No. 4136, o Land Transportation and Traffic Code, para payagan ang mga motorsiklo na maging PUV.