-- Advertisements --
image 311

Kinwestiyon ni Sen. Nancy Binay ang mga opisyal ng Bureau of Treasury (BTr) sa pagpapatuloy ng public hearing ng Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies kung mayroong plano sa negosyo para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ipinunto ni Binay na mas madaling kumbinsihin ang mga mambabatas na ipasa ang panukala kung maibibigay sa kanila ng mga nagsusulong ng panukala ang Maharlika Investment Fund business plan.

Tanong ni Binay, paano aniya nae-envision na maibabalik kung hindi alam ng mga resource person kung ano ang tiyak na plano sa pag-unlad?

Bilang tugon, sinabi ni National Treasurer Rosalia De Leon sa komite na kasalukuyang ginagawa nila ang panukalang sovereign wealth fund at magkakaroon ng investment strategy at risk management strategy.